Chelsea Alabado

BAGUIO

Wala nang mas maganda pang panahon upang puntahan ang Baguio, kung hindi sa buwan ng kapaskuhan at bagong taon. Hahabulin namin ang pinakamalamig na simoy ng hangin sa taas ng kabundukan ng Cordillera Administrative Region. 

Nais kong maibahagi sa blog na ito ang mga nakasanayan kong gawi sa Baguio, kaya naman gusto ko muling balikan ang mga lugar na lagi naming pinupuntahan noon pa, at pati na rin maglakbay sa mga bagong pasyalan. Dito, Makikita niyo kung paano ako magpahinga at magsiya kasama ang aking pamilya.

Enero 3 – sa aming araw ng pag-alis, naisipan naming huminto muna sa NLEX gasoline station upang mag-almusal, katulad ng lagi naming ginagawa.

Natulog lang ako buong biyahe hangga’t sa makarating na kami ng Baguio. Katulad muli nang dati, binaba ng aking tatay ang mga bintana upang maramdaman namin ang pag-iba ng temperatura ng hangin. Nang ilabas ko ang aking kamay, alam kong nakarating na nga kami sa aming destinasyon. Dumiretso kami sa aming tutulugan upang magbaba ng gamit at pumunta ng Burnham Park pagkatapos magpahinga.

Napalingon sa akin ang aking tatay at napatanong, “Chel, saan nga ulit tayo nag-racing dati ng bike?” Nginitian ko siya at napagtantong sa Burnham Park ang aming unang papasyalan. Pagdating namin, binaba namin sila tita at ang nanay ko upang magbangka bago kami pumunta at magrenta ng bisikleta upang mag-unahan ulit — katulad ng dati.

Pagkatapos ay pumunta kami sa kainang paborito namin ng aking tatay; sa O’Mai Khan, isang Mongolian na kainan. Subalit hindi kami nakakain dito dahil tanyag ito masyado’t napakahaba ng pila, kaya naman lumipat na lamang kami sa Korean na kainan. 

Hindi ako masyadong nakakain dahil nagkaroon ako ng sakit simula pa noong Enero 1, pero sinigurado naman ng aking kapatid at mga pinsan na sulit talaga ang aming bayad dahil kulang nalang ay kainin na nila pati ang mga pinggan sa kainan. Nagluto kami ng marami at siniguradong natuwa ang aming pinsan na nanggaling pa sa aming probinsya, sa Bohol. 

Sa pangalawang araw, nagpunta kami ng Camp John Hay at nag-Tree Top Adventure! Napakaganda ng araw. Wala masyadong tao at maganda ang gising ng lahat. Kaya naman hindi namin sinayang ng aking kapatid at ginamit sa tama ang dalang biyaya ng araw no’n. 

Sa pagkakataong ito, sinubukan kong gumawa ng hindi ko pa nagagawa noon. Sumakay ako sa isang tree top ride na pahigang lilipad sa taas ng gubat. Ngayon, hindi na ako natakot kundi natuwa pa. Pagkatapos nito ay dumiretso na kami agad sa Mongolian na kainan para siguradong makakain na, at nagtagumpay kami! Inunahan pa namin ang bukas ng kainan.

Chelsea Alabado

ITALYA

Alyssa Santos

LAKWA SA BORACAY

Boracay, bilyon-bilyon ang nakaka-alam tungkol sa mala-paraisong lugar na ito. Ang Boracay ay naging sikat sa kanyang puting buhangin at mala-paraisong tanawin.  At sa pagdasa ng mga turista nito sa mga nakaraang taon naisipan ng gobyerno na ipasagawa sa rehabilitasyon. Nung June 13,2018, kami ay dapat pupunta sa Boracay. Ngunit, ang gobyerno biglang ipinasara ito. At nito lang December 15,2018 ay natuloy din an gaming pagpunta. Ang unang kong napansin sa Boracay ay, nagging mahigpit na sila sa mga pumupuntang turista. Bago ka makalipad papuntang Boracay dapat may siguradong hotel ka na doon. Pangalawa, bago ka makapunta sa Boracay ay sasakay ka muna ng barko. Doon sa Port ay may pila upang malagyan ka ng stamp upang ma-beripeka ka na ikaw ay isang turista sa Boracay. Pangatlo, may babayaran ka muna bago makapasok, katulad ng environmental fee. At doon, sasakay ka na ng barko papunta sa kabilang isla.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5808.jpg

Iyan ang sinakyan naming barko upang makapunta sa kabilang isla. Ang pagpunta doon ay umaabot lamang ng sampung minuto. At habang na sa byahe kami ay napansin ko sa tubig ay napakakalmado. Naramdaman kong ligtas ang magiging byahe at hindi naman ako nagkamali. Ngunit, sa paglapag namin sa kabilang isla ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kailangan pa naming bumyahe patungo sa Boracay mismo. Bumyahe kami ng labing limang minuto papunta sa aming tutulugan. Kailangan naming maglakad ng isa hanggang dalawang minuto papaunta sa Boracay.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5809.jpg

Habang naglalakad kami papunta sa Boracay, napansin ko na napakadami pang ginagawang pagsasa-ayos dito. At ang daan ay hindi pa ganun ka-ayos sapagkat may ilang parte ay hindi pa din sementado. Pangalawa, napansin ko na napakamahal ng bilihin dito. Lalo na ang mga seafoods, iba pang pagkain at lalo na ang gasolina. Para saakin, pangturista ang kanilang mga presyo dahil doble pa ang bentahan nila kaysa sa Maynila.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5774.jpg

Ito na nga! Ang paraiso. Unang tingin ko pa lang sa Boracay ay napansin kong napakalinis na nga nito. Kitang-kita kung gaano ka ganda ang tanawin at lalo na ang kanilang pinagmamalaki na puting buhangin. At hindi na gaano kadami ang mga pumupunta sa mismong tabing-dagat. Sapagkat hindi na nagaganap ang mga aktibidad sa dagat sa mismong Boracay, sa kabilang isla na. Kitang-kita ang pagbabago sa Boracay, tunay na na-rehabilita nga ang isla. Napakatahimik, mahangin at maganda ng Boracay. Napakita na muli ang anyong ganda kung saan ito nakilala.

Habang naglilibot, napansin ko na napakadaming mga kainan na madadaanan. At ang pinakapinupuntahan dito ay pagpapaluto ng mga seafoods. Masasabi ko na pangturista talaga ang lugar na ito sapagkat napakamahal ng mga pagkain. Hindi ko masasabi na pangmasa ang mga pagkain dito. Ngunit ang na sa isip ko baka dahil sa rehabilitasyon na naganap. Hindi mawari na napakahaba ng isla ng Boracay dahil ito ay mula Station 1 hanggang 3. At sa Station 1 ay dun ang tinaguriang mga mamahaling hotel ang mga nandoon. Station 2 ay kung nasaan ang buhay ng Boracay noon ngunit ngayon ipinagbabawal na ang kahit na anong pagdiriwang sa mismong baybayin ng Boracay. At ang Station 3 naman ay nandoon din ang mga kainan at iba pang mga hotel.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5740.jpg

Sa pagkakataon na iyon hindi pa kami nakakapagtanghalian sapagkat ilang beses naantala an gaming paglipad papunta sa Boracay. At doon kumain kami sa isang restawran. Kumain kami ng Hipon, Inihaw na Pusit, Inihaw na Liempo at Inihaw na Manok. At napakasarap nga ng pagkain dito sapagkat ang kinainan naming ay may kakaibang lasa ang kanilang pagkain di tulad sa Maynila. Sa Hipon ay nasarapan ako ngunit nahirapan lang ako sa paghihimay nito. Sa Inihaw na Pusit ay nasarapan ako sa timpla ngunit naramdaman ko na nasobrahan ito sa luto. Ang Inihaw na Manok naman, masarap ang lasa ngunit tuyot dahil siguro nasobrahan na sa pagluto. Ang Inihaw na Liempo ang nagustuhan ko talaga kaso, mas madami pa ang taba nito kaysa sa mismong laman. Sa pangkalahatang, nagustuhan ko naman ang kinain namin lalo na sa lasa ng pagkain nila.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5743.jpg

Sa pagpatak ng dilim, wala ng masyadong tao na tumatambay sa baybayin. Napakatahimik, napakadilim, walang ingay ng mga nagsasayahan na mga tao. Hindi na katulad ng dati na puro kasiyahan, ingay at pagkatapos, puro kalat ang matitira sa baybayin. Ang dami ng pinagbago ng Boracay, napatunayan ito nung pagsapit ng dilim. Kanya-kanyang kasiyahan nagaganap sa bawat kainan ngunit hindi naman todo-todo. Masarap masilayan ang paglubog ng araw lalo na kung sa baybayin pa ng Boracay mararanasan. Napakalamig ng simoy ng hangin sapagkat tag-ulan nung pumunta kami sa Boracay. Ngunit, madami din kasi ang mga puno sa Boracay kaya mas humahangin.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5752.jpg

Habang nag-iikot kami ay napansin ko na kaliwa’t kanan, napakadaming dayuhan at sa isang restawran ay napupuno nila. At halos sila ay mga Koreano, Hapon, Tsino at mga Amerikano. Napansin ko na tuwang-tuwa sila sa Boracay sapagkat napakaganda nito at napakabait din ng mga tao doon. Napansin ko din na may Chinese at Korean na restawran sa Boracay at ito ay isa sa mga hindi ko inaasahan. Sapagkat, ang Boracay ay isang pangturistang lugar at ito ay nakikita sa Pilipinas. At ang lugar na iyon ay dinadayo talaga at malayo sa bayan mismo. Para sa akin hindi angkop sa Boracay na maglagay ng mga pang dayuhang kainan. Sapagkat doon dapat mas tampok ang mga pagkaing pinoy. At upang makilala sa mga dayuhan ang mga pagkaing atin. At hindi upang tayo ay makakilala sa pagkain nila. Ngunit itong aking pahayag ay opinyon ko lamang.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5751.jpg

Matatagpuan ang aming hotel sa Station 2. Ang aming tinulugan ay simple lang ngunit ito ay malapit sa Boracay. Ang mga tao sa aming hotel ay mabait at may pagkukusa. Lalo na sa pagtulong sa kanilang mga bisita. Hindi sila naghihintay na may hihingi sakanila ng tulong, sila ay kusang nagtatanong kung kailangan ba naming ng tulong. Ang hotel na ito ay nakita lamang naming sa isang travel expo habang sarado pa ang Boracay. Sakto lang espasyo nito para saming tatlo at napakalinis. Ako ay pihikan sa paggamit ng banyo, gusto ko yung malinis at hindi yung nararamdaman na madumi. Ngunit doon, nagustuhan ko naman ang banyo nila. Ngunit ang almusal na kasama sa aming hotel ay di ko nagustuhan. Sapagkat hindi kaaya-aya ang mga pagkain na hinanda nila. At malamig ang mga pagkain nila at hindi nila nililinis ang mga lamesang tapos na gamitin. Kaya para saakin, hindi ko talaga nagustuhan ang serbisyo nila para sa almusal. Ngunit sa pangkalahatan nagustuhan ko naman ang natulugan namin.

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:BORACAY:IMG_5769.jpg

At sa huling araw naming sa Boracay, muli kong sinulyapan ang paraisong ito na alam kong hindi ko malilimutan. Tunay na napatunayan na tama ang desisyon ng gobyerno na ipasara muna ang Boracay. At baka sakali madismaya ako sa itsura noon ng Boracay. Dati, puro kalat, madumi ang tubig at napakadaming tao. Ngunit ngayon, kontrolado na ang pagdagsa ng tao. At nung kailangan na naming umalis, hinatid na kami ng aming hotel papunta sa airport. At doon, kailangan pa naming sumakay ulit sa barko. At sa pagsakay naming ng barko, naramdaman ko na hindi nila pinagsisikan ang mga tao. At doon, napatunayan nila na hindi nila pinagsasamantalahan ang mga turista. Dahil pwede naman nila pagpilitan na sumakay ang mga tao ngunit hindi nila iyon ginawa. Dito, pinapakita din nila na gusto nilang maging ligtas ang mga pasahero. At nung pagbaba naming ng barko, may sumundo samin upang ihatid kami sa airport. Kumain kami sa isang kainan na malapit sa airport. At nung kami ay pasakay na sa eroplano, napansin ko nakasabay pala naming si Tim Yap sa eroplano na aming sasakyan. At sa pagkakataon na iyon, ang nanay ko lang ang kasama kong lilipad sapagkat ang tatay ko ay sa ibang eroplano sasakay. Ang aming pamilya ay hindi mahilig sa dagat ngunit sa Boracay, nagandahan talaga kami. Kaya di na ko nagtaka kung bakit “It’s More Fun in the Philippines!”

Alyssa Santos

LAKWA SA JAPAN

Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:JAPAN:IMG_3295.jpg
Ang sikat na Tokyo Tower na may taas na 333 metro na itinayo noong 1958.
Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:JAPAN:IMG_3310.jpg
Ang Tokyo City sa paglubog ng araw.
Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:JAPAN:IMG_1479.jpg
Ang napakasarap na Ramen lalo na sa malamig na panahon sa Japan.
Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:JAPAN:IMG_3289.jpg
Ang sikat na si Gundam na isang robot at ito ay isa  sa atraksyon sa Koto-Aomi.
Macintosh HD:Users:flordelizasantos:Desktop:FINALS_12:JAPAN:IMG_1494.jpg
Ang tanawin sa Nokogiriyama Ropeway.

Janiel Alogon

AUSTRALIA

Ang Sydney ang una naming naging destinasyon sa Australia. Sa larawang ito ay natatanaw ang Sydney Opera House mula sa barkong aming sinasakyan.
Matapos ang isang araw sa Sydney, tumungo naman kami sa Melbourne. Ipinapakita sa larawang ito ang Melbourne Central Business District sa Melbourne, Australia.
Ang Starbucks Cafe sa Swanston St., Melbourne, Australia. Madalang lamang ang Starbucks sa Australia at sa piling lugar lamang ito makikita.
Matapos ang ilang araw namin sa Melbourne ay tumungo naman kami sa Adelaide dahil dito kasalukuyang nakatira ang aking kapatid. Sa lugar na ito ay maraming dalampasigan. Makikita sa larawang ito ang Blowhole Beach sa Adelaide, Australia.
Port Noarlunga Beach, South Australia.

Angelica Burayag

ILOCOS 2016

Hinding hindi ko malilimutan ang aming naging lakbayin sa Ilocos. Naging masaya ako at ang aking buong pamilya sa aming mga natuklasan maging ang aming naging karanasan nang kami ay nasa Ilocos. Dahil rito, mas naging malay ako sa iba’t ibang kulturang hanggad ng mga lugar sa loob man o labas ng Pilipinas. Dagdag pa, natulungan ako nito sapagkat alam ko ang mga hakbng na dapat isaalang-alang kapag ako ay naglalakbay, sinusulit dapat natin ang lugar dahil limitado lamang ang oras na mayroon tayo. Kumuha ng mga litrato, pagmasdan ang kapaligiran, at damhin ang kagandahang taglay ng lugar. Makikita sa ibaba ang mga lugar na aming napuntahan, kaya’t halina at samahan ako sa paghahayag ng aming naging lakbayin.

PAOAY CHURCH

Namalagi kami sa Ilocos ng tatlong araw, sa aking pagkaka-alala, umalis kami sa aming bahay ng ala una ng madaling araw dahil mahaba pa ang byahe na aming pagdaraanan. Sabi nila, mas maigi na raw na umalis ng madaling araw upang wala nang traffic na maranasan at nang maging mabilis na lamang ang byahe. Bandang alas syete ng umaga, nakarating na kami sa Ilocos Sur at doon kami kumain ng umagahan. Sa aming unang araw sa Ilocos, nilibot muna naming ang mga lugar na matatagpuan sa Ilocos Norte. Ang una naming napuntahan ay ang Paoay Church na kanilang tinatawag na matatagpuan sa Ilocos Norte. Base sa aking pagsusuri, ito raw ay isa sa pinakamatanda at pinakamagandang simbahan na matatagpuan sa Pilipinas. At tama nga, dahil nung ako ay naroon, gandang- ganda ako sa paligid at lalong lalo na sa simbahan. Makikita rin naman sa litrato kung gaano kalawak at kalaki ang Paoay Church.

PAOAY SAND DUNES

Matapos naming puntahan ang Paoay Church, nagtungo na kami sa aming susunod na destinasyon at ito ay sa Paoay Sand Dunes. Masasabi ko na isa ito sa aking pinaka-paborito sa aming lakbayin sapagkat may inihahatid itong saya dahil na rin activities na taglay nito. Sumakay kami sa isang 4×4 na sasakyan upang malibot ang buong lugar at kinakailangan naming humawak sapagkat parang roller coaster iyon kapag ikaw ay nakasakay. Bagamat nakakatakot at masakit sa katawan kapag sumakay ka doon dahil para kang may dinaraanan na bako bako, ngunit napaka saya pa rin nang aking naging karanasan. Huminto kami sa isang lugar at hinayaan kami ng tour guide na kumuha ng iba’t ibang litrato. Pagkatapos ay pumunta ulit kami sa isang lugar at naranasan kong mag sand boarding. Kahit tirik ang araw, masasabi ko na higit pa rin ang saya na aking naranasan nang subukan ko ang iba’t ibang gawain sa Sand Dunes

BANGUI WINDMILLS

Matapos naming puntahan ang Paoay Sand Dunes, nagdesisyon kami na kumain na muna ng tanghalian. Tumungo kami sa Bangui Windmills at kumain kami sa isang kainan na puro kubo ang pwesto. Doon, tanaw na tanaw namin ang kapaligiran at ang sariwang hangin na taglay ng mga windmills. Nang matapos na kaming mananghalian, bumaba kami upang kumuha ng mga litrato na malapit sa dagat at windmills. Sobrang hinangin ang buhok ko at punong puno na ng buhangin ang aking mga paa. Nang malanghap na namin ang sariwang hangin, kami ay tumungo naman sa isang pamilihan ng mga pasalubong na nasa itaas lamang na bahagi ng windmill, at doon, naisipan naming bumili ng kanya kanyang t-shirt upang maalala naming nakapunta kami sa lugar na iyon.

PAGUDPUD, ILOCOS NORTE

Makalipas ang napaka habang araw ng pamamasyal, tumungo na kami sa aming huling destinasyon para sa aming unang araw sa Ilocos at ito ay sa Pagudpud. Maraming magagandang karagatan sa Pagudpud ngunit naisipan naming sa Hannah’s Beach Resort manatili at magpalipas ng gabi. Bago lumubog ang araw, nagpasya kami na suilitin ang dagat kung kaya’t kami ay nagpalipas ng oras doon. Nang mag gabi na, kami ay kumain lang at pumunta sa aming kwarto upang magpahinga. Kinabukasan, kami ay gumising ng maaga upang masulit namin ang dagat gayundin upang makakuha kami ng mga litrato. Sinubukan din namin na sumakay sa tinagurian nilang “banana boat” at sobra akong naging masaya dahil unang beses ko pa lamang nasubukan iyon. Matapos ang lahat, tumungo na kami sa restwaran upang kumain at pagkatapos na pagkatapos noon, naligo na kami at umalis para sa aming susunod na destinasyon. 

PATAPAT BRIDGE

            Para sa aming ikalawang araw sa Ilocos, nang kami ay makaalis sa resort, tumigil muna kami sa arko ng Pagudpud upang magpakuha ng litrato dahil nabalitaan namin na sikat ang arkong iyon kung kaya’t maraming tao ang nagpapakuha ng litrato doon. Bago rin kami pumunta sa aming susunod na destinasyon, huminto ulit kami sa Patapat Bridge upang magpakuha ng litrato dahil ito rin ay isang sikat na daanan. Makikita sa mga larawan na isa lamang daanan ang Patapat Bridge ngunit kitang kita rin dito ang isang malinis at maaliwalas na tanawin.

KAPURPURAWAN ROCK FORMATION

Sa aming ikalawang araw sa Ilocos, ang Kapurpurawan Rock Formation ang pinaka-una naming pinuntahan, at ito rin ay masasabi kong isa sa paborito kong lugar sa loob ng Ilocos. Tirik na tirik ang araw ng magpunta kami rito at sobrang napagod ako nang ito ay aming akyatin. Ngunit matapos ang mahabang paglalakad, masasabi ko na sulit ang haba ng aming nilakad dahil kapag narating mo na ang tuktok, tiyak na may isang sorpresang naghihintay sayo. Nang makita ko ang lugar sa unang pagkakataon, ako ay manghang-mangha sa aking nakita maging sa kagandahan ng lugar na ito dahil ang lugar na ito ay tila parang mabuhangin ang itsura. Masasabi ko rin na isa itong lugar na dapat puntahan kapag kayo ay nagpunta sa Ilocos. Kahit saan ako tumingin o kahit saan ako kumuha ng litrato, kitang kita ko ang aliwalas at gandang taglay ng Kapurpurawan Rock Formation. At sa pagbaba namin, sumakay ako sa kabayo sa pababa ng Rock Formation dahil hindi ko kinaya ang nilakad namin paakyat doon. Mababait rin ang mga taong nakasalamuha namin dito dahil sila mismo ang tagakuha ng aming mga litrato at alam nila kung anong anggulo ang dapat kuhanin.

BELL TOWER

Matapos naming mapuntahan ang Rock Formation, ang sumunod naman na aming napuntahan ay ang Bell House. Hindi na sumama ang aking mga magulang sa pagpunta dito sapagkat sila ay napagod na, hindi rin ito kayang pasukin ng mga sasakyan kung kaya’t kami ay nag tricycle papunta dito. Sa pag-akyat sa mataas na hagdan dito, marami din magagandang spot kung saan makakakuha ka ng maaayos at magagandang litrato. Hindi kami nagtagal sa Bell House dahil naghihintay ang aming mga magulang, kung kaya’t pagkatapos naming makita ang mga bagay rito, kumuha lamang kami ng iilang litrato, kami ay bumaba at umalis na.

MARCOS MUSEUM

Bago kami makarating sa Marcos Museum ay malayo layo ang aming naging lakbayin dahil kami ay nanggaling sa Bell House, dahil malapit lapit na sa Vigan ang Marcos Museum pero nasa parte pa rin siya ng Ilocos Norte. Nang kami ay makarating dito, hindi namin naabutang bukas dahil maaga pala itong nagsasara kung kaya’t sa labas na lamang kami ng museum kumuha ng mga litrato. Matapos naming kumuha nang iilang litrato ay tumungo na kami sa aming susunod na destinasyon dahil halos mag gagabi na rin ng kami ay makarating dito.

VIGAN

Nang sumapit ang kinagabihan, sa wakas at nakarating na kami sa Vigan. Ang Vigan ay isa sa mga tampok at sikat na lugar sa Ilocos lalong lalo na ang Calle Crisologo. Bagamat wala akong nakuhang litrato ng mismong Calle, nakita ko kung gaano kagandang maglakad dito at mamili ng mga pasalubong lalong lalo na kapag gabi. Sariwang hangin at mga nangangamoy na pagkain ang aking nalanghap at natuklasan rito. Namalagi kami sa Hotel Luna upang magpalipas ng gabi, kumain lang kami at naglibot sa paligid ng Vigan. At doon nagtatapos ang aming pangalawalang araw sa Ilocos.

HOTEL LUNA MUSEUM

Dumating na ang aming huling araw sa Ilocos, gumising kami ng maaga upang masiguradong masuri namin ang iba pang tanawing hindi pa namin nakikita. Dumeretso kami sa Museo ng aming Hotel upang tingnan ang iba’t ibang larawang iginuhat ni Luna. Kumuha kami ng litrato sa bawat larawan o disenyo na aming makita. Nang matapos kaming kumuha ng mga litrato, pumunta na kami sa baba upang kumain ng agahan.

ELPIDIO QUIRINO MUSEUM

Nang matapos na kaming kumain, nilubos na namin ang aming paglilibot sa Vigan. Namili kami ng iba’t ibang kagamitan pati na rin ng mga pasalubong para sa aming mga kaibigan. Naglakad lakad kami sa paligid ng Calle Crisologo at kumuha ng iilang larawan. Matapos kaming maglakad lakad, napagpasyahan namin na magpunta sa Elpidio Quirino Museum. Papunta doon, sumakay kami sa kalesa at ako ay natuwa sapagkat iyon ang ikatlong beses na nakasakay ako roon. Nang kami ay makarating sa museo, kumuha lamang kami ng mga litrato at bumalik na kami sa aming hotel dahil tanghali na noon kaya’t kinailangan na naming umalis.


Bago kami umalis, kumuha muna kami ng mga litrato sa loob at labas ng aming hotel. Nakauwi kami ng mga magmamadaling araw na sapagkat matagal ang aming naging byahe. Hinding hindi ko malilimutan ang mga bagay na aking natuklasan, nawa’y maulit pa ang mga ganitong pagkakataon na kung saan kami ay makalalabas ng aking pamilya. Tunay ngang may iba’t ibang itinatagong ganda ang mga lugar sa Pilipinas, kinakailangan lamang natin itong suriin. Dahil dito, masasabi ko na marami tayong mga bagay na maipagmamalaki bilang isang Pilipino.

Angelica Burayag

Tagaytay

Ang tanawing makikita sa labas ng aming hotel.
Isang maaliwalas na kuha sa Bag of Beans Tagaytay na karaniwang kinakainan ng nakararami.
Ang masarap na luto ng Roast Beef habang pinagmamasdan ang tanawin at dinarama ang malakas na simoy ng hangin.
Ang sikat na Bulkang Taal na madalas puntahan ng nakararami dahil sa inihahatid nitong kagandahan.







Ang litrato ng aking pamilya kasama ang tanawing matatagpuan sa Starbucks Lakeshore.

Julia Manalili

Beijing, Tsina (May 9-13, 2017)

Mayo 9, 2017 ng madaling araw ay nagtungo na kami sa paliparan. Sa litrato ay inaantay na namin ang aming eroplano.

Ilang minuto ay nakasakay na kami sa eroplano. Nakakasabik dahil mahigit isang taon nung huli akong makasakay sa eroplano.

Kasalukuyan kaming nasa himpapawid, kitang-kita ang magandang tanawin mula sa eroplano.

Panandalian kaming namalagi sa Hongkong dahil sa aming pagkokonekta ng flight. Sandali kaming naglibot habang inaantay ang susunod na paglipad.

Pagkalipas ng ilang oras ay sa wakas nakaratin na rin kami sa Tsina.

Sumalubong ang malamig ngunit maruming hangin habang kami ay naglalakad papunta sa Great Wall of China.

Upang makarating sa tuktok ay kailangan naming sumakay ng kotseng kable.

Pagkatapos ay nakarating na kami sa Great Wall of China. Sinulit naming ang aming oras sa pag-mamasid ng magandang tanawin.

Pagkagaling sa Great Wall of China ay kumain muna kami sa isang kainan. Maingay ang mga intsik at puro usok ang nababalot sa loob dahil sa paninigarilyo ng mga tao sa loob.

Naglakad-lakad kami sa labas bago umuwi.

Ikalawang araw ay nag-lakad kami patungo sa Forbidden City dahil malapit lamang ito sa aming hotel.

Mainit at marami nang tao nung oras na pumunta kami.

Pagkatapos naming pumunta ng Forbidden City ay pumunta naman kami sa Beijing Zoo.



Maraming akong mga hayop na ngayon ko lang nakita tulad ng dyirap at panda.

Ikatlong araw ay pumunta naman kami sa 9th Beijing International Printing Technology Exhibition. Pumunta kami dito dahil ang pakay talaga ng aking tatay ay tumingin ng mga makina para sa kaniyang negosyo.

Nakapagod dahil nakabuntot lang ako sa aking mga kasama buong araw.

Pagkatapos namin ay pumunta kami sa isang kainan kung saan nakakain ako ng iba’t ibang kilalang pagkain ng Tsina. ���d

Julia Manalili

Antipolo (Abril 9, 2017)

Nagtungo kami sa Daraitan noong Abril 9,2017 kasama ang aking mga magulang at kapatid. Malayo ang aming nilakbay kaya umalis kami ng bahay maaga pa lamang. Nakakapagod at nakakaantok ang aming biyahe, pero nang makarating kami doon tila nawala ang lahat ng iyon. Nakakamangha at nakakapigil hininga ang ganda ng aming pinuntahan. Hindi ko napigilang umakyat sa mataas na parte ng bato para mas makita ko ang tanawin. Sobrang nahirapan pa akong umakyat dahil napakadulas at kailangan pang mag-paa para lang lumakas ang kapit. Mahihirapang umakyat ang isang tao dito kung walang tulong ng iba. Naramdaman ko agad na sulit ang aming biyahe at pagod dahil sa unang dako pa lamang ng aming paglalakbay ay nakita ko na agad ang ganda. Bago namin sinimulan ang aming paglalakbay ay kumain muna kami.

Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na kaming maglakbay patungo sa kuweba at parte na pwede naming paglanguyan. Mahaba at nakakapagod ang aming nilakbay dahil mahigit oras ang aming inabot sa paglalakad dagdag pa ang bigat ng aming mga dala-dala. Dahan-dahan na ring umiinit dahil sa sikat ng araw. Makitid ang aming dinaanan, mabato, at malubak na tila imposible ata na hindi ka matapilok. Nakakatuwa dahil malinis ang aming dinadaanan at walang bakas ng kalat. Kita na inaalagan ang lugar na ito. Masaya kaming nagkukwentuhan at naghaharutan ng aming kapatid habang naglalakad.

Bawat sulok ng aming madadaanan ay tinitiyak naming kami ay may litrato dito. Kamangha-mangha ang porma ng bato na para bang gawa ito ng mga tao na pinagplanuhan ng matagal na panahon. Masaya ang aming paglalakbay kahit malayo dahil hindi nawawalan ng magandang tanawin saan ka man lumingon. Saglit kaming tumitigil sa bawat tabi para magpahinga at lumangoy. Nakakatawa dahil ilang beses akong natapilok pati narin ang aking mga kasama.

Pagkatapos ng ilang oras na paglalakabay ay nakarating narin kami sa kuweba. Nakakatakot ang kuweba dahil napakalalim nito at napakahirap babaan. Madulas at medyo basa ang tatapakan patungo sa baba. Nakakatakot pa dahil sa aking pagkakaalala, nagkaroon ng mahinang lindol ilang araw bago kami pumunta dito. Papasok sa kuweba ay wala talagang makikita. Ang inaasahan ko lamang ay yung plaslayt ng aming mga kasama. Hindi inaasahang malamig sa loob ng kuweba na nanggagaling sa temperatura ng tubig. Madulas rin yung lapag ng kuweba dahil may mga lubak at lubog itong parte na may nakaipong tubig. Papalayo ay naririnig ko ang usap-usapan ng mga tao pabalik kung gaano kalamig at kasaya sa dulo. Sobrang nasabik na akong makarating dahil hindi ko mailarawan ang itsura ng dulo ng kuweba. 

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa dulo ng kuweba. Hindi maganda ang litrato dahil madilim at masikip doon. Kitang-kita ang tuwa ng ibang mga taong kasabay namin pati na rin ang mga ibang dayuhan. Alingawngaw ng ingay at saya ang nababalot sa loob ng kuweba. Hindi rin masyadong magkaintindihan dahil sa ingay at lakas ng agos ng tubig. Nagbabakasakali pa akong lumangoy nung una dahil sa sobrang lamig ng tubig. Pero lumangoy rin ako sa huli dahil alam kong matagal pa bago ako makabalik dito at minsan lang ako makapunta sa mga ganitong lugar. Nakakatakot nga lang lumangoy dahil hindi ko masyadong abot ang baba pati na rin ang aking imahinsayon na baka may mga hayop sa ilalim nito. Nakakatakot rin dahil hindi ko masyadong kita yung loob at baka may butas na pwedeng humigop saakin.  

Pagkatapos naming lumangoy ay lumabas na kami ng kuweba. Habang naglalakad palabas ay ramdam ko na nanginging ang aking katawan sa ginaw. Ilang beses rin akong muntikan nang madulas dahil hindi na ako nakatuon sa aking nilalakaran. Ang hirap rin dahil ang alalay ko lamang ay bato na may magarang habi, malumot at basa sa pakiramdam. Nang makalabas kami ay sumalubong naman ang init ng sikat ng araw. Parang gusto ko ulit bumalik sa ilalim ng kuweba. Naglakbay ulit kami para magtungo sa dako na pwedeng kumain at lumangoy.

            Ito ang mga tanawin na gusto kong ibahagi saaking mambabasa. Napakaganda at nakakaakit ang tanawing ito. Para bang gusto ko nang mamalagi dito ng ilang araw. Mainit man at mahaba ang lalakaran pero mapapwi ang lahat ng iyo kung ganito ang iyong makikita. Sobrang nagpapasalamat ako sa panginoon dahil may natitira pang parte ng Pilipinas ang hindi pa nasisira. Habang naglalakbay ay naisip ko na tunay na mas maganda ang gawa ng Diyos kesa sa gawa ng tao. Naiisip ko rin na masayang maglagay ng maliit na bangka dito at sakyan na para bang sumasakay sa rio grande.

            Pagkatapos ng ilang tapilok, dulas, at mahabang paglalakbay ay nakarating na kami kung saan pwedeng lumangoy at kumain. Mabato ang aming kinainan kaya hindi ako masyadong natuwa dahil nahirapan ako. Pagkatapos kumain ay lumangoy na ako sa likod na parte ng aking litrato (kanang litrato). Nanghuli rin kami ng aming kapatid sa dako kung saan ako nakaupo dahil may mga maliliit na isdang namamalagi dito. Hindi ko nakunan ng litrato pero may parte sa bandang kanan kung saan pwede kang tumalon sa taas na 5 talampakan. Nakakatakot pero tumalon ako dahil ako yung tipong tao na sinusulit ang minuto ng aking buhay. Sa kaliwang litrato naman ay makikita ang agos ng tubig kung saan onting mali ka lang ng hulog o langoy ay pwedeng ka nang mahagip ng rumaragasang tubig. Masasabi kong masaya at nakaksabik pumunta dito dahil sa kabila ng pagod at hirap, mapapawi ito sa ganda ng tanawin.

           

Pagkatapos ng aming mahabang paglalakbay ay nagtungo kami sa simabahan sa antipolo. Dito ay pinabasbas namin ang aming kotse at kumain sa Cloud 9. Sa Cloud 9 ay mayroong tulay patungo sa mas mataas pa na gusali. Masarap at madami akong nakain dahil sa sobrang pagod ko sa aming nilakbay. Binawi ko lahat ng aking nalabas na pawis sa katawan. Pagkatapos kumain ay sinubukan naming lahat na daanan ang tulay upang makarating sa mas mataas na gusali. Nakakatakot umakyat dahil kitang-kita ang ibang tao na napapaatras pagdating sa gitna ng tulay. Wala kaming nagawa at tumuloy parin kami dahil gusto naming marating ang mas mataas na gusali. Nakakatakot nga ang tulay simula sa bandang gitna kasi medyo tumatarik na. Medyo madulas pa para sakin dahil ang suot ko lang ay tsinelas. Pero naudyok akong makarating sa dulo ng tulay dahil sa bata sa aking harapan na tila nagpapakita ng walang takot. Lahat naman kami ay nakarating sa dulo at nakita naming ang ganda ng tanawin sa mas mataas na gusali.